Siguro darating talaga sa punto na isasampal sayo ng tadhana na hindi kayo para sa isa’t isa.

Yun bang isasampal sayo yung katotohanan na hindi na ikaw ang mahal niya. Yung katotohanan na kahit gustuhin mo man siyang ipaglaban, na gusto mo ikaw lang yung nagpapasaya sa kanya.. hindi na pwede.

Hindi na pwede dahil hindi ka na parte ng buhay niya. Hindi na pwede dahil hindi na ikaw ang gusto niya. Hindi na pwede dahil may pinaglalaban na siyang iba.

Kaya wala ka na lang magawa kundi magpaubaya sa tadhana kasabay ng pagpapaubaya sa pag asang baka sakaling maging maayos pa ang lahat.

Pero hanggang kailan ba? Hanggang kailan ka kakapit sa isang bagay na matagal mo na dapat binitiwan? Hanggang kailan mo nanaisin ang isang pag ibig na naglaho na? Hanggang kailan mo hihintayin na magbago ang takbo ng sitwasyon?

Siguro panahon na.

Panahon na para tumigil ka.

Panahon na para palayain mo ang sarili mo.
Panahon na para bumitaw ka.

Panahon na para magsimula ka ng bago.

At higit sa lahat….

PANAHON NA PARA KALIMUTAN SIYA. 
Kaya kung nababasa mo man ito,

ito na yung senyales na hinihintay mo…
TAMA NA.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s