Nasaan ka na?

Nasaan ka na, mahal ko?

Tumigil ang ikot ng mundo nung ako’y iniwan mo

Tila pati pagtibok ng puso ko na dati ay naghuhurumentado

Ngayon ay parang huminto ng ilang segundo

Nasaan ka na, mahal ko?

Tuluyan mo na nga ba akong nilisan?

Bakit kahit masakit ay pilit pa rin akong humahanap ng dahilan?

Dahilan kung bakit nagawa mo akong iwanang luhaan sa gitna ng ating laban


Nasaan ka na, mahal ko?

Bumalik ka na

Sabik na akong makayakap ka

Wala na akong katabing matulog sa kama,

Sa kama na kung saan kayakap kita at wala akong ibang hinahangad kung hindi ang gumising sa bawat umaga na mukha mo ang aking unang makikita


Nasaan ka na, mahal ko?

Wala na ba talagang pag-asa?

Hindi ba pwedeng bumalik na lang tayo ulit sa umpisa?

Nasaan ka na, mahal ko?

Itigil ko na daw ang paghihintay sayo, pilit isinisigaw ng mundo.

At kahit pa nasaan ka, mahal ko.. itaga mo sa bato, ako’y maghihintay sayo…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s