Pinilit Kitang Abutin



Pinilit kitang abutin.

Pinilit kitang abutin sa kabila ng mga balakid na nagsasabing hindi ka para sa akin.

Pinilit kitang abutin kahit na iba ako sa babaeng nais mong mahalin.

Yung babaeng simple, tahimik, walang arte.. yung babaeng hindi basta basta lang. Iilan lamang yan sa mga katangian na ninais kong abutin at hanggang ngayo’y inaabot ko pa rin.

Ako kasi yung tipo ng babae na maingay, malabong kausap, maraming arte sa katawan, hindi rin ako ubod ng simple… palagay ko nga isa akong babae na hindi dapat sineseryoso.
Ganon kababa ang tingin ko sa sarili ko.
Ganoon kababa kaya hindi kita maabot-abot kahit anong gawin ko.

Oo, pinipilit kitang abutin.

Pinilit kitang abutin kahit na walang kasiguraduhan na ako’y iyong gugustuhin.

Higit sa lahat, pinili kitang abutin kahit may naabot ka na pa lang iba.

Isang napakagandang halimbawa ng mga bagay na ginusto mo sa isang babae ay ngayo’y nasa iyo na.

Ano bang laban ko sa kanya?

Ano bang laban ko bilang isang babaeng nagkakagusto sayo kumpara sa isang babaeng minamahal mo?

Pinilit kitang abutin kahit masyadong malakas ang hangin na patuloy kang nilalayo ka sa akin.

Pinilit kitang abutin kahit wala akong maipagmamalaki sayo kundi ang pagmamahal ko.

Yung klase ng pagmamahal na hindi magbabago at patuloy na mamamahalin ka kahit pa sa pinakapangit na parte ng buhay mo.

Pero ano pa nga ba ang pwede kong magawa kung ang babaeng minamahal mo ang nagpaparamdam sayo ng tamang pagmamahal?

Pinilit kitang abutin.

Pinilit kitang abutin ng paulit ulit.

Paulit ulit hanggang sa ako’y nangawit.

At kahit na anong pagpilit,

para kang isang bituin na hindi ko maaabot….

MALABO AT IMPOSIBLE.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s