Ang hirap pala.

Ang hirap na gustong gusto mo siya.

Na kahit anong pilit mong abutin siya ay tila isang bituin na kayhirap abutin dahil masyadong malayo, masyadong mataas, masyadong imposible.

Ang hirap na kahit paulit ulit mong sabihin sa sarili mong hindi siya para sayo ay may katiting pa rin na pag asa sa puso mo na nagsasabing baka naman pwedeng bigyan ka ng pagkakataon.

Ang hirap pala na kahit subukan mong ibigay ang atensyon mo sa iba ay tanging siya lang ang hinahanap mo sa bawat taong nakakasalamuha mo.

Ang hirap na sa bawat lakad mo palayo ay tila may enerhiyang humihila sayo pabalik sa kanya.

Ang hirap pilitin abutin ang mga bagay na gusto niya para lang masabi niya na gusto ka rin niya.

Ang hirap bumuo ng isang ikaw na naaayon sa mga katangiang magugustuhan niya dahil alam mo sa sarili mong naiiba ka.

Ang hirap hirap umasa.

Ang hirap hirap abutin ng isang taong hindi naman ikaw ang inaabot.

Ang hirap hirap maging ako na malayong malayo sa gusto niya.

Pero anong magagawa ko?

Handa akong harapin ang bawat paghihirap kung ang kapalit naman nito ay maabot ko siya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s