SAMPUng bilang para sa ISAng lalaking gusto ko

ISA. Isang beses pa lang kitang nakita nakuha mo na agad ang atensyon ko.

DALAWA. Dalawang beses kitang nakasabay kumain at masasabi kong mas masarap ka pang kausap kesa sa mga tindang pagkain na mayroon sa kinakainan natin.

TATLO. Tatlong oras kong inisip kung ano bang ilalagay ko sa mga susunod na numero dito dahil marami na ring tumatakbo sa isip ko. Ang dami dami ko kasing iniisip. Nakakapagod.

APAT. Apat na katangian ang mayroon ka na talaga namang nagustuhan ko. Ikaw bilang mahiyain, tahimik, masayang kausap at maginoo. Pero lahat naman ata ng katangiang mayroon ka, kahit pangit, ay gusto ko. Kagusto gusto ka naman kasi talaga.

LIMA. Limang araw na rin buhat nung umamin ako sayo na gusto kita. Nakakakaba dahil nakakatakot mareject.

ANIM. Anim na oras (o higit pa) akong umiyak, dahil totoo nga. Nareject ako. Alam kong may chance na mareject ako pero tinuloy ko pa rin.

PITO. Pitong araw na ang nakalipas nung sinimulan kitang iwasan. Pitong araw na rin unti unting tinatanggap ng pagkatao ko ang sinabi mong HANGGANG MAGKAIBIGAN LANG TAYO. Dahil iyon ang nararapat.

WALO. Walong ulit mo kong sinubukang kausapin pero hindi ko pa kaya. Nahihiya ako sayo dahil kaibigan lang naman ang inalok mo sakin pero nagkagusto pa ako sayo, lalo na’t kumplikado at hindi pwede.

SIYAM.   Siyam na buwan na pala akong may paghanga sayo. Masyadong matagal para sa  simpleng paghanga. Kaya palagay ko ay gusto na talaga kita. Siyam na buwan na (at patuloy pa) akong may gusto sayo.

SAMPU. Sampu? Itutuloy ko pa ba ang bilang na ito kung sa huli naman ay hanggang magkaibigan lang tayo? Kailangan ko na bang tumigil sa kakaasa katulad ng pagtigil ko sa pagtipa ng mga nais kong sabihin dahil kahit pagbalik baliktarin man ang mundo….

kahit umabot pa ako ng pagbibilang hanggang isang libo dito ay walang magbabago….

 

hindi pa din magiging tayo….

dahil meron nang kayo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s