Hindi pa ba ako sapat?

Sa tuwing titingnan ko ang estado ng buhay ko, naiisip ko na meron naman akong maayos na bahay, may magandang trabaho na katamtaman naman ang sweldo para punan ang mga pangangailangan ko sa buhay, may mga kaibigan akong nandyan parati para sa akin at may pamilya akong mahal na mahal ako. Okey naman. Okey? Oo, okey lang. Sakto lang. Hindi naman naging sapat. Parang may kulang.

Minsan nga nararamdaman kong may mga pagkukulang ako.. natural naman na may pagkukulang ka bilang tao dahil hindi ka naman perpekto pero sa sitwasyon ko pakiramdam ko, ang laki ng pagkukulang ko sa sarili ko. Yung pakiramdam ko na basta basta lang ako. Ang daming laman ng isip ko, masyado akong competitive. Eh ang kalaban ko lang naman ay ang sarili ko.

Paano ba? Paano ba maging sapat?

Pakiramdam ko kahit anong gawin ko ay hindi na ako magiging sapat para sa sarili ko o para sa ibang tao. Madalas ay hindi ko na makilala ang sarili ko eh. Nakakapangliit.

Yung pakiramdam na parang sa bawat ginagawa mo wala ng tama, yung kahit ang ayos ayos ng buhay mo pakiramdam mo bilang tao isa kang pagkakamali, napag iiwanan ng daloy ng mundo at walang papel sa buhay ng iba’t ibang tao.

Ano bang mali sa akin?

Dapat nga maging masaya ako sa buhay na mayroon ako hindi ba? Kumpara sa ibang tao ay mas marami pa silang pinagdadaanan sa buhay, samantalang ako na maayos ang buhay ay pilit ko pang ginugulo dahil sa mga kaisipan ko. Pero bakit pakiramdam ko kahit ang simple simple lang naman mabuhay hindi pa rin ako sapat para sa buhay na ito?

Bakit hindi ako maging katulad ng iba na walang problema? Bakit hindi ko kayang makuntento sa buhay na mayroon ako? Bakit mas gusto ko pang mabuhay bilang ibang tao at hindi bilang ako?

Maayos naman ang takbo ng buhay ko, pumapasok ako sa trabaho, nakakatuog ako sa malambot na higaan, nakakakain ako ng masasarap na pagkain, pero ganoon parin eh. Pakiramdam ko parin ang laki ng kulang sa buhay ko, pakiramdam ko marami pa akong magagawa sa buhay.

Di ba hindi ko naman dapat maramdaman ito? Pero bakit? Bakit paulit ulit kong nararamdaman na hindi ako sapat?

Dapat nga sa ganda ng buhay ko ay wala na akong pakielam pero bakit iniintindi ko pa ang isang bagay na hindi naman dapat?

Bakit?

Ayoko na. Sana wala na lang akong pakielam. Sana..

…dahil nakakapagod mag isip.

Nakakasawa na rin kasing maging ako. Yung kahit alam kong maayos naman ang buhay ko ay pilit kong ginugulo. Nakakapagod. Nakakasawa.

Hindi naman ako dapat nag iisip pero hindi ko mapigilan.

Paano ko ba pipigilan?

Paano ko titigilan? Lalo na kung alam kong hindi pa rin ako sapat.

Bakit hindi na lang ako maging masaya?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s