T R O P A

Itong mga tropa na to yung alam lahat ng tungkol sayo, mula sa kadilim-diliman ng pagkatao mo hanggang sa kabutihan mo, pero tanggap ka pa rin nila. Yung may mga sikreto kang hindi mo man masabi sa magulang mo, pero sila yung handang makinig sayo at syempre hindi ilalabas yung mga baho mo. Kahit pa nakakadiri o nakakahiya.

Oo, may mga baho ka na sikreto sa iba pero sa tropahan niyo, tanggap nila yon. Kahit ano pa man. Kahit sino ka at ano ka, tanggap ka nila. Ramdam mo pa din ang pagmamahal nila nang walang panghuhusga.

Sa tropahan na tinuturing ang bawat isa na parang kapamilya. Na bawat isa ang magiging takbuhan sa tuwing may problemang pinagdadaanan o kahit man sa panahon ng tagumpay at kasiyahan.

Sa mga tropahan na walang ilangan basta magkakasama komportable kayo sa isa’t isa. Kahit nga mapaaway ang isa, kaaway na rin ng lahat. May kanya kanyang back up na ready to fight. Yung tropa mo na ramdam mo na kahit anong gulo man ang mapasukan mo, sasamahan ka para mas lalong gumulo pero handang ayusin ng magkakasama hanggang sa dulo.

Sa tropahan na basta magkakasama kayo, hindi niyo maiiwasang hindi makagawa ng mga alaalang babaunin niyo hanggang sa pagtanda niyo. Mga simpleng asaran at lokohan.

Sa tropahan na kahit puro kagaguhan ang alam ay may kanya kanyang pangarap naman. At nagtutulungan para marating ang mga nais marating.

Sa tropahan niyo na alam mo na kahit hindi mo man sila kadugo ay may malaking parte na sa buhay mo, na habang buhay mong ipagpapasalamat sa Diyos dahil kahit anong mangyari, andyan sila para sayo.

Yung kapag bumagsak ka sa isang subject mo, aasarin ka nila pero papakopyahin ka para next time pasado ka na.

Yung kapag galing ka sa break up, babanatan ka ng kung ano anong hugot pero pag dinala niyo sa inuman, makakarinig ka ng mga payo na punong puno ng sense.

Yung kahit single ka, hindi mo na kailangan ng iba dahil sa mga tropa mo pa lang solve na.

Yung sa bawat lakad niyo, ikaw ang laging nauuna sa meeting place tapos hindi ka na naniniwala pag sinabi nilang OTW na sila kasi ang totoo non, kakabangon pa lang nila sa mga higaan nila.

Yung kahit magkakagalit kayo o nagkakapikunan, ang ending tatawanan niyo na lang ang isa’t isa at magkakabati na rin kayo.

Yung pagtatakpan niyo ang bawat isa para lang makalusot kayo sa kalokohan niyo at hindi mapagalitan ng magulang.

Yung kaya mong mawala yung kasintahan mo pero hindi ang mga kaibigan mo.

Kaya salamat…

Salamat sa tropahan na kahit anong mangyari ay hindi mang iiwan, sa tropahan na ramdam mong hindi ka huhusgahan, sa tropahan na kahit puro kalokohan ay mga mga pangarap naman.

Sa tropahan na hindi lang basta tropa dahil tinuring mo na rin na kapamilya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s