Naaalala mo pa ba?

Naaalala mo pa ba?

Yung mga oras na katext kita na kahit abutin tayo ng umaga ay okay lang dahil hindi naman tayo nauubusan ng mapag uusapan? Yung kahit maliliit na bagay ay napag uusapan natin.

Naaalala mo pa ba? Kasi ako hindi nawala iyon sa isip ko. Hindi ka mawala sa isip ko.

Ako rin ba? Ako rin ba minsan naiisip mo?

O.. karapat dapat nga bang isipin mo ako?

Alam mo, maniwala ka man o hindi, sinubukan ko talaga, sinubukan kong kalimutan ka. Ilang beses din yun e.

Ilang beses ko kinalimutan yung mga gabi na kausap kita at yung mga araw na nakakasama kita.

Ilang beses ko din kinalimutan yung init ng mga yakap mo at higpit ng mga hawak mo sa kamay ko.

Ilang beses ko din iniwasang manuod sa sinehan dahil hanggang sa panunuod ay ikaw ang naaalala ko. Mapa-horror movie o love story pa yan.

Ilang beses ko din iniwasang mapakinggan ang mga paborito mong kanta na sabay natin kinakanta sa sasakyan na tila naging paborito ko na rin.

Ilang beses ko din binaon sa limot ang mga pangako mong hindi naman na rin matutupad.

Oo, ilang beses. Kahit hirap na hirap ako. Sinubukan ko ng ilang beses na palayain ka, palayain ang nararamdaman ko, palayain ang pagmamahal ko para sayo at palayain na rin ang mga pangakong binitiwan mo.

Pero patuloy ko pa rin naaalala ang lahat ng mga magagandang nangyari sa ating dalawa, mula sa pinaka maliit na detalye hanggang sa malalaking pangyayari.

Ano? Naalala mo na ba?

Hay, hindi ko alam. Siguro, hindi na.

Pero gusto kong malaman mo na okay lang.

Okay lang kasi ako na  ang bahalang umalala ng lahat. Kahit pa pareho na tayong nagpaalam sa isa’t isa, hindi pa rin ako magpapaalam sa alaala nating dalawa. Siguro lagi ko lang itong dala dala sa puso ko, at patuloy na nakatatak na sa isip ko.

At kahit na ayaw kong baunin ang alaala mo, wala akong magagawa dahil alam kong kahit saan man ako magpunta, o ano man ang gawin ko.. ay may mga bakas pa rin na naiwan mo.

At patuloy ko pa ring hahanapin sa kung saan at sa kahit na kanino ang mga alaalang iniwan mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s