Nagmamahal ka kung….

Masasabi mong nagmamahal ka na kung sa bawat pagpikit mo ng mga mata mo, siya ang nakikita mo. Yung pakiramdam mo kasama mo siya. Yung ramdam mo yung bawat presensya niya at pakiramdam mo nasa tabi mo lang siya.

Yung kapag masaya ka, siya agad ang naiisip mo na kasama mong tumawa. Na kahit corny pa ang mga jokes mo, siya ang gusto mong unang makakarinig nito. Yun bang gusto mong masaksihan ang lahat ng galaw niya. Kung paano niya inaayos ang buhok niya, kung paano lumabas ang ngipin niya kapag ngumingiti siya. Yung mga ngiting nakakapagpatunaw ng puso mo.

Yun bang pag may nangyayaring maganda o hindi maganda sa buhay mo ay siya agad ang unang naiisip mong kwentuhan dahil pakiramdam mo ay gagaan ng sobra ang loob mo pag nakausap mo siya.

Yun bang ang dami mong gustong sabihin sa kanya kahit na lagi naman kayong magkausap. Na kahit kakaalis palang niya ay miss mo na siya agad. At lagi lagi mong hinahanap hanap.

Yun bang ayaw mong makaligtaan ang isang bagay na ginagawa niya. Gusto mong masaksihan lahat ng kaganapan sa buhay niya. Yun bang siya lang talaga ng makasama mo, kuntento ka na doon. Gusto mong malaman ang takbo ng buhay niya dahil

Yung mahal mo siya kahit sa pinaka maliit na bagay na mayroon siya. Yung kahit kapintasan niya ay minamahal mo na rin. At kahit marami ka ng alam tungkol sa kanya ay mas gusto mo pa rin na kilalanin siya.

Yung bawat paggising mo, nagdarasal ka na sana mukha niya ang unang makikita mo sa bawat umaga. At pag sapit ng gabi, siya pa rin ang gusto mong makatabi at makakwentuhan hanggang sa parehas na kayong dalawin ng antok at makatulog kayong makayakap.

Yung gusto mo siyang kasama kahit saan. Hindi lang physically pero gusto mo na iisa ang puso niya at ang nararamdaman niyo. Yung minahal mo siya hindi dahil sa kung anong itsura niya, pero minahal mo siya dahil naipaparamdam niya sayo ang kasiyahan na hindi mo maramdaman sa iba.

At sa bawat plano mo, nakikita mo na siya ang kasama mo. Gusto mong kahit hanggang dulo, ay siya at siya pa rin ang nasa tabi mo.

Yung hindi ka natatakot harapin ang bukas dahil alam mo na kakayanin mo dahil kasama mo siya.

Pwedeng mag away kayo, pero gagawin mo rin ang lahat para manatili kayo sa isa’t isa. Hindi ka gagawa ng mga bagay na pwedeng maging dahilan para mawala siya sayo. Yung tipong ayaw mong mawala kung ano man ang meron ka ngayon dahil hindi mo kakayanin, kaya ipaglalaban mo siya.

At kapag iniisip mo kung anong meron ka ngayon, wala kang ginawa kundi magpasalamat sa Diyos dahil para sayo ang mahalin siya ay isang biyaya.

Yung gugustuhin mong maging mas mabuting tao para maging karapat dapat ka para sa kanya. Kaya magsisikap ka para sa sarili mo.

At higit sa lahat, yung hindi mo maiisip na kaya mo palang magmahal bukod sa sarili mo, pamilya mo at mga kaibigan mo. Pakiramdam mo nabuo mo na ang sarili mo.

Hindi mo naiitindihan nung una pero ngayon, nagkaroon ng saysay ang lahat.

Ang sarap pa lang magmahal.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s