Walang pero, pero. Kapag gusto ka, gusto ka.

Let’s get straight to the point.

Ang lalaking gusto ka, walang pero pero o walang maraming dahilan. Basta gusto ka, gusto ka. Period.

Kapag ang lalaki, gusto ka talaga niyan hindi yan takot sa commitment. Siya pa mismo ang mag ooffer ng commitment sayo. Walang halong laro, kasi para sakanya ang pakikipagrelasyon ay hindi biro. Para sa kanya, ang pakikipagrelasyon ay pangseryosohan. Dahil para sa kanya, hindi ka laruan. Isa kang babaeng pangseryosohan.

Kapag gusto ka niyang makasama, gugustuhin niya. Walang rason para hindi ka niya puntahan o walang dahilan para hindi ka niya makakasama. Maglalaan yan ng oras para lang makasama ka. Hindi tira tirang oras. Kundi may sarili ka talagang oras mula sa kanya.

Ang lalaki kapag gusto ka niyan, hindi yan mawawala na lang ng parang bula, magiging consistent yan sa bawat effort na ginagawa niya sayo. Siya yung tipo ng lalaki na kahit hindi ka magreply, itetext ka pa rin niya para lang malaman mo kung ano ng nangyayari sa buhay niya o yung tatawagan ka niya para lang marinig niya ang boses mo.

Ang lalaking seryoso sayo ay totoo rin sayo. Makikita mo agad na genuine siya sa lahat ng pinapakita at pinaparamdam niya sayo. Dahil ang seryosong lalaki, kapag gusto ka niyan, paghihirapan ka niyan kahit pa nakamit niya na ang matamis mong oo at isang paraan ay ang pagiging totoo niyang tao.

Ang lalaking seryoso sayo, alam mo agad ang motibo niyan. Hindi yan magpapanggap para lang magustuhan mo. Ipapakita niya sayo ang plano niya sa buhay, ang plano niya sayo at ang mga plano niya para sa inyong dalawa. Dahil ang lalaking seryoso sayo, maganda at mabuti ang motibo.

Dahil kapag gusto ka ng lalaki, walang pero pero yan. Gusto ka talaga. Plain and simple. Direct to the point.

Ang lalaking totoo at seryoso ay gagawin ang lahat para sa taong gusto niya kahit pa mahirapan siya. Ipaglalaban ka niyan at gagawin niya ang lahat para sayo ng walang pag aalinlangan.

Kapag napansin mong playing safe siya, yung walang maayos na desisyon sa kung ano man ang meron kayo at masyadong paligoy-ligoy..

well, sasabihin ko na sayo… hindi siya seryoso sayo. Kaya, i-let go mo na yung mga ganong klaseng lalaki. Masasaktan ka lang.

Dahil deserve mo yung lalaking gusto ka, yung 100% committed sayo at sa kung anong mayroon kayo.

Huwag dun sa lalaking walang assurance, na kahit pati existence mo sa mundong ‘to ay naquestion mo na rin dahil lang sa wala siyang maibigay na kasagutan sayo.

Doon ka sa lalaking hind ka mangangapa at sa lalaking ipaparamdam sayo kung ano ang feeling ng minamahal ng tapat at totoo.

Dahil ang totoo niyan, at the end of the day, pag gusto ka niya, gusto ka niya. Ganoon lang kasimple.

Pag gusto ka, gusto ka. Period.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s