Pansaman-tanga

Pasensya na kung hindi ako yung babaeng kaya kang patawanin sa tuwing nalulungkot ka o sa tuwing may problema ka.

Pasensya na kung sa tuwing maririnig mo ang pangalan ko ay nakakaramdam ka ng pagkainis sa akin kaya hirap kang makasama ako sa iisang lugar.

Ikaw naman kasi eh. Masyado mo akong kinukumpara sa kanya. Binuo mo ang isang ideya na ang isang ako ay pwedeng maging kagaya niya.

Ibang iba naman kasi siya talaga di ba? Maganda siya. Malambot ang kanyang mahabang buhok. Ang ganda ng mga mata niya lalo na kapag nakikipagtitigan ka sa kanya. Malambot ang mga kamay niya. At napaka sexy niya. Muntik na siyang maging perpekto sa paningin ko. Ideal girl kumbaga.

Pero kahit na malayong malayo ako sakanya ay okay lang.

Okay lang kasi nakakausap naman kita gabi gabi kahit mapuyat ako para lang alamin kung kamusta ba ang naging takbo ng araw mo.

Okay lang kasi ako yung nagsilbing kanlungan mo sa tuwing bumubugso ang damdamin mo para sa kanya

Okay lang din kasi sa tuwing binabanggit ng mga kaibigan mo ang pangalan ko ay napapangiti ka.

At higit sa lahat, okay lang sa akin dahil marami akong alaalang maibabaon sa akin puso’t isipan.

Bakit ganoon? Bakit kahit na anong abot ko ay hindi ko maabot ang isang babaeng katulad niya? Hindi ko makuhang maging kagaya niya. Pinilit kong pag aralan ang lahat ng kilos niya pati ang pananalita at pag uugali niya para lang mapasaya kita at mapunan ko ang pagkukulang niya pero hindi pa rin umepekto, wala pa ring pagbabago.

Sinubukan ko naman eh. Alam ng Diyos kung gaano kahirap maging siya pero sinubukan ko pa rin.

May mga panahon na gusto ko na lang itigil ang lahat. Mga panahon na bumalik na lang ako sa totoong ako at maging mabuting kaibigan na lang sayo. Pero hindi ko magawa lalo na’t alam kong kailangan mo pa ako.
Hindi ko na talaga mapigilan ang nararamdaman ko para sayo, kaya isang araw, inamin ko na rin. Pero hindi ka kumibo at sinabi mo na siya pa rin talaga ang gusto mo. Pero sinabi mo rin na sinusubukan mo ang lahat para maging ako ang laman ng puso mo. Sinabi mo rin na napapasaya kita. Na may puwang na ako sa puso mo.

Oo, napapasaya kita. Pero para ba talaga sa akin ang mga ngiti at tawa mo? Oo, may puwang na ako sa puso mo pero saan ako banda? Anong papel ko diyan sa puso mo?

Ang sakit na lagi akong umiiyak nang dahil sayo pero pinapaptatag ko ang sarili ko. Hindi ko naman pinilit ang sitwasyon na to at mas lalong hindi kita pinilit na mahalin ako. Oo, siguro ay minahal mo nga ako. Minahal mo nga siguro ako sa ideya na ako at siya ay maaaring maging iisa.

Pero sana minahal mo ako bilang ako, hindi bilang siya. Sana binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka sa paraang alam ko dahil ang hirap pala. Ang hirap maging siya. Ginawa ko na ang lahat, sinubukan ko kahit ang kapalit nito ay pagkalimot sa sarili ko. Pero hindi pa rin pala sapat.

Ayoko na. Ayoko nang maging second choice mo. Ayoko nang maging takbuhan mo sa tuwing naghihintay kang kausapin niya. Ayoko nang pilitin ang sarili ko na kaya ko siyang palitan sa puso mo dahil alam kong siya at siya pa rin ang laman nito.

Nakakapagod maging option. Nakakapagod lalo na kung hindi mo naman ako kayang pahalagahan kahit kaunti. Nakakapagod humanap ng lugar sa buhay mo.

Hanggang dito na lang ang pagpapanggap. Hindi ako second choice.

Sana matandaan mo na hindi naman ako napagod na mahalin ka…… Ngayon lang.

Nakakapagod ka palang mahalin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s