Sampung bagay at rason kung bakit kailangan mong panuorin ang pelikulang ito

ISA. Isang beses ko siyang pinanuod ng mag isa lang ako. Oo, isa lang ako. Sanay naman akong mag isa. LOL. Bibili ako ng Sapporo mamaya. Hahaha (panuorin nyo para malaman nyo)

DALAWA. Dalawa sana kaming manunuod pero iniwan nya na ko. Dalawa sana kaming umiiyak. Dalawa sana kaming tumatawa. Bagay na bagay lang yung OST ng Kita Kita samin, TWO less lonely people in the world. Pero wala eh… Siya ang saging sa buhay ko pero iniwan nya pa rin ako HAHAHAHA Jk.

TATLO. Tatlong beses akong nag isip kung bakit si Empoy yung naging lead actor. I mean, pucha pwede namang si Piolo Pascual o kaya si Sam Milby di ba? Di hamak naman na mas alam na silang dalawa kesa kay Empoy di ba?….. Well, malalaman nyo mamaya kung bakit pag tinapos nyong basahin to..

APAT. Apat kaming single na nasa loob. Oo, bilang na bilang lang ang mga single na nanunuod dahil puro magjojowa yung nandun. Sabi na eh.. Expected naman talaga yon mga b3shy.. Di bale, nakasurvive naman ako HAHAHA

LIMA. Limang beses akong namangha sa ganda ng Japan. Grabe di ko alam pero gusto ko din pumunta dun tapos mamamasyal lang ng walang exact destination. Iba. Ibang iba talaga promise. ANG GANDA GANDA NG JAPAN. 

ANIM. Anim na beses ko nafeel na parang naiihi na ako kakainom ng milk tea pero pinigilan ko! Walang patapon na scene at hindi ko papalagpasin ang bawat scene kaya pinili kong pigilan ng anim na beses ang pag ihi ko. PUCHA HASSLE! 

PITO. Pitong minuto na sunod sunod akong tumawa sa movie. Kalahati ng pelikula tatawa ka, ang galing galing ng sense of humor ni Empoy/Tonyo! Nakakaasar bigla akong nainlove sakanya! HAHAHA oo talo na talaga ng funny guys ang mga poging lalaki dyan HAHAHA san na po ang Tonyo ng buhay ko???

WALO. Mga walong beses din akong naawa kay Lea 😦 Pucha bat ganon lagi na lang sya nasasaktan. Ramdam ko sya dun kaya walong beses akong naawa eh. Ramdam ko yung maloko, maiwan, yung kung kailan hulog na hulog ka na saka naman matatapos ang lahat… Ouch! HAHAHA Bet na bet ko din mga OOTD dun ni Lea. At epic na epic siya sa isang scene don HAHAHAHA di ko kinaya… ayoko magspoil kaya panuorin nyo nalang.

SIYAM. Siyam na beses ko nang pinapatugtog ngayon yung “two less lonely people in the world” simula pag uwi ko ng bahay. Bes, alam kong love song to pero pucha hanggang ngayon naiiyak ako. Hanggang ngayon nag uubos pa din ako ng luha, sipon at tissue 😦 DI AKO MAKA MOVE ON SA MOVIE KASI BITIN! AT WALANG POST CREDIT. Umaasa ako kung may part 2 ba?!

SAMPU. Sampu ang score ng movie na to sakin. Ngayon, alam ko na kung bakit si Empoy yung kinuhang bida dito.. kasi walang epekto kung sina Piolo Pascual pa or si Sam Milby. Kahit sobrang gwapo nila… Wala. Walang epekto. Walang epekto kasi sa pelikulang ito, nakuha ni Tonyo ang puso ko. Sampung beses akong kinilig at natawa kay Tonyo pero sampung beses din nya akong sinaktan. Paulit ulit pero masakit eh. Kalahati ng movie, masaya ka pero kalahati rin ng movie babawiin ang kasiyahan mo at papaiyakin ka ng sobra. Yung feeling ni Lea, ramdam ko pa rin kahit tapos na yung movie. Sampung beses ko rin sinabi sa mga tao sa bahay na napakaganda ng movie at palagay ko kahit sampung beses kong panuorin yun, hinding hindi ako magsasawa at same feels pa din.

Alam kong mainstream ang mga sampung bagay na to pero totoo nga.. walang sayang sa perang binayad mo. Kahit yung popcorn at iced tea na kinain mo sa loob, hindi sayang.

Pero tip ko, magsama ka kasi di mo kakayanin lahat ng scenes. Ang hirap tumawa ng walang katabi eh. Wala akong mapalo. Ang hirap din umiyak ng walang katabi kasi wala akong karamay. Pagtingin ko sa mga gilid puro nagyayakapan e. Balak ko nga yumakap sa dalawang magjowang nasa harap ko dahil sa feels na dulot ng movie na to. HAHAHA Mga bwisit kayo. Para sakin talaga tong movie eh. HAHAHA pero yun pag gusto nyo manuod tapos need nyo kasama, ako na lang please basta libre nyo ok? HAHAHAH charot 

OH TAMA NA TINATAPOS KO NA ANG POST NA TO AT KAKAIN PA AKO NG CABBAGE… 😉

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s