what a guy wants…..

Gusto nila yung pinaparamdam mo na special sila sayo. Yung hindi mo tinatapakan yung ego nila. Pero syempre dapat magpa-hard to get ka din, kasi ayaw nila ng madaling bumigay. Mas maganda naman kasi talaga yung pinaghihirapan di ba. Maging open ka rin sa feelings mo. Yung sapat lang. Yung hindi sila mahihirapan hulaan ka.

Huwag kang masyadong conscious sa katawan mo. Oo, madalas maattract ang mga lalaki sa mga sexy o skinny girls pero mas marami na sa lalaki ngayon ang mas gusto ng medyo may laman o chubby. Sa huli naman, hindi na rin katawan ang magiging basehan ng pagmamahal niya sayo.

Matuto ka rin magbigay. Give and take lang lagi. Pero  Magtira ka pa rin para sa sarili mo. Wag ibigay lahat.

Magkaroon ka ng goals sa buhay. Gusto ng mga lalaki yung may pangarap sa buhay na babae, yung independent. Yung nakikita nila na hindi mo kailangan ng lalaki sa buhay para lang sumaya. Kasi kuntento ka kung ano ka at meron ka. Magkaro on ka ng trabaho pero huwag mong ipapamukha sa kanya na mas may authority ka kesa sa kanya dahil lang sa may trabaho ka.

Maging passionate ka sa kanya at sa mga tao sa paligid mo. Gusto rin ng mga lalaki yung may paninidigan. Yung kayang tumayo sa sarili nilang paa at kayang panindigan ang mga desisyon sa buhay. Ayaw nila ng magulo ang isip at magulo kausap. Ayaw din nila ng maraming reklamo.

Challenge him. Gusto ng mga lalaki yung pinaghihirapan nila. Kasi mas nakikitaan nila ang value ng isang bagay kapag pinaghihirapan. Sabihin man nilang pabebe ka, pero atleast alam mo ang value mo at alam mo rin na hindi ka magsesettle sa hindi karapat dapat sayo.

Bigyan mo siya ng hope para sa future. Bigyan mo siya ng perspective at ng goal sa buhay. Wag mo hayaang maging kampante siya sa inyo dahil lang sa alam nyong masaya kayo. Isipin mo din na dapat may patutunguhan ang isa’t isa. Tandaan mo, hindi naman puro kasiyahan ang mayroon sa isang relasyon, marami kayong pagdadaanan na susubok sa inyong samahan kaya dapat handa kayo. Magkaroon kayo ng plano para sa inyong dalawa. I-enjoy niyo kung anong meron kayo, pero at the same time ‘wag kayong easy easy lang. I-work out nyo parehas.

Hayaan mo lang na may matutunan kayong dalawa sa isa’t isa. You cannot change a guy but you can make him change. If ayaw niyang i-correct mo siya, hayaan mo siyang matuto sa pagkakamali niya. Dahil eventually, marerealize din niya yon. Kung mag aaway man kayo, yung may sense naman. Wag yung dahil lang sa hindi siya nagreply within 2 minutes o yung dahil lang hindi niya pinusuan yung post mo sa facebook. Very wrong.

Ang tipo ng mga lalaki, yung mga simpleng babae. Oo, madalas silang magandahan sa mga babaeng may make up. Oo, okay lang naman mag ayos ng mag ayos at magmake up. Pero hindi mo kailangan makipagsabayan, eventually darating din yung araw na makikita niya yung totoong ikaw kapag walang kolorete o anuman sa katawan at mukha mo. Maging simple ka pero huwag naman yung mukha kang losyang. Mas simple, mas maganda.

Gusto din nila yung babaeng open minded. Yung alam yung gusto nila, hindi yung paligoy ligoy pa. Gusto ng mga lalaki yung matured na mag-isip. Trust me, off na agad sa mga lalaki yung immature. Hindi masama kung paminsan minsan ay mag harutan kayo o nag aasaran kayong dalawa. Pero dapat alam din kung saan ilulugar. Ayaw ng mga lalaking simpleng problema lang ay ginagawa pang big deal. Hindi sila sanay mag isip ng mag isip. Hindi sila katulad nating mga babae na kayang pagsabay sabayin ang problema. Madalas may mga sapak talaga tayong babae, madalas moody, madalas gutom pero matuto rin tayong makiramdam sa mga lalaki. Napapagod din sila.

Gusto din ng mga lalaki yung mataas yung confidence mo sa sarili mo. Yung sakto lang. Yung alam mo kung ano ang strengths mo sa buhay. At kahit may weaknesses ka, ineembrace mo yon kasi alam mong kahit may flaws ka ay deserve ka pa ring mahalin. May pagkakataon na magkakaroon ka ng insecurities sa sarili mo, pero tandaan mo na kaya ka nila nagustuhan ay dahil may mga katangian ka na hinahanap nila at gustong gusto nila. At para sa kanila, ikaw lang ay sapat na.

Maging totoo ka. Gusto nila yung pinapakita mo talaga kung ano ka. Ayaw nila ng pabebe. Oo, ipakita mo kung ano ka pero maging mystery ka pa rin para sa kanila na alam nilang may madidiscover pa sila sayo araw araw. Keep your shit together. Wag kang masyadong bigay ng bigay. Tandaan, settle for the best.

Magkaroon ka ng effort na kilalanin ang mga mahahalagang tao sa buhay niya. Gusto ng mga lalaki yung may pake ka sa mga tao sa paligid niya. Gusto niya na mahal mo din ang mga taong mahal niya at mahalaga sa kanya. Gusto niya na kagaya ng pagpasok niya sa mundo mo, pagharap sa mga magulang mo at pakikipagbonding sa mga kaibigan mo ay ganun ka din.

Be that girl na kayang sabayan yung mga trip niya. Kasi ang mga lalaki gusto din nila yung maiintindihan sila.

Be that girl na independent pero at the same time maiparamdam mong kailanganm o din siya sa buhay mo kasi parte siya ng buhay mo.

Be that carefree girl, yung walang arte. Yung walang restrictions pagdating sa lalaking mahal nila kasi ang mahalaga maging masaya siya.

Be that girl. But learn that you deserve the best. Be worthy.

Just be yourself. You are beautiful, inside and out. You are amazing, just the way you are.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s