Bakit ngayon lang?

Hindi ko alam kung paano magsisimula , hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong isipin.

Ako lang ba o parang laging sumasakto yung mga ex natin, mga nakasakit sa atin, o yung mga taong nang iwan sa atin. Comeback is real kumbaga.

Yung parang may timeline sila kung kailan sila babalik, kung kailan tatawag o magtetext at kung kailan sila lilitaw sa labas ng bahay natin. Yung timeline nila ay mangyayari lang kung kailan tayo naging okay, kung kailan masaya na tayo na wala sila.. saka sila susulpot.

Bakit ba ganoon? Bakit sila bumabalik sa twing maayos na tayo? Bakit kung kailan nakamove on na tayo saka sila babalik?

Nung mga gabing umiiyak ako, mga pagkakataong mag isa ako at hinahanap hanap ko ang presensya niya, nung mga panahong gustong gusto ko siyang makausap at makita at nung mga araw na hindi ko na kilala ang sarili ko. Naghahanap ako ng rason kung bakit hindi ako sapat. Labis kong katanungan ay kung bakit kailangan pa naming maghiwalay kung pwede naman naming ipaglaban.

Pero sa mga panahong ‘yon, wala man lang akong nakuhang sagot. Nagkaroon ng closure pero hindi naman naging maayos. Siguro hindi naman pala ako dapat humingi ng closure, dahil pagtanggap lang pala ang kailangan kong gawin. Siguro ito yung pagpapalaya ko sa lahat lahat ng natitirang pag asa. Ang paglimot sa mga “baka sakali” na mayroon ako.

At iyon nga ang ginawa ko. Tinigil ko na ang lahat, ang pag iisip, ang paghihintay at pakikipaglaban. Binitawan ko siya. Ginawa ko yun ng dahan dahan, unti unti. Masyado akong nalubog sa ideyang ako at siya ay maaaring manatili hanggang dulo.

Pero bakit ganon? Bakit ngayon lang?

Okay na ako eh. Masaya na ako ulit. Pero bumalik ka. Lahat ng pinaghirapan ko para maging maayos ako, nawala lahat. Para akong bumalik sa umpisa. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sayo o matutuwa ako dahil sa wakas andito ka na ulit.

Ginusto ko naman to eh. Ilang araw ko tong hiniling na mangyari dati. Paulit ulit ko tong ginusto at pinagdasal.

Pero hindi na. Ayoko na. Hindi na kita pwedeng tanggapin ulit. Hindi porket nakita mong masaya na ako at nakikita mong maganda na ang nangyayari sa akin ay bigla ka na lang babalik dahil sa nagbago ang isip mo o dahil marami kang naisip habang wala ako. Hindi ganoon kadali yun.

Hindi ka pwedeng bumalik at umarte na parang hindi mo ako iniwan.

Hindi na kita hahayaang bumalik sa buhay ko ulit. Pasensya ka na. Natuto na ako. Hanggang dito na lang talaga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s