Tamang pagmamahalan sa Maling panahon

Naranasan mo na bang mainlove sa tamang tao? Syempre masarap sa pakiramdam di ba?
Pero yung mainlove sa maling tao pero para sayo tama pa rin? Masakit at masarap sa pakiramdam di ba?

Yun bang pag naririnig mo yung line sa kanta na, “we had the right love at the wrong time” feeling mo para sayo yung kanta na yon. Pakiramdam mo ginawa talaga yung kanta na yon para sayo.

Bakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nakakalulong ang isang pag ibig na hindi naman para sayo?

Yung pag ibig na inakala mo magtatagal hanggang dulo.

Nakilala ko siya nung mga panahong marami akong problema. Nung mga panahong feeling ko wala na akong kakampi sa mundo. Siya yung taong nakakaintindi sakin. Siya yung taong nakakapagpasaya sakin. Pero bakit hindi pwede?

Maling panahon?

Maling pagkakataon?
O baka maling tao

Maling panahon dahil dumating siya na magulo ang buhay ko. Yung panahong hindi ko mahanap ang sarili ko. 

Maling pagkakataon dahil hindi naman talaga nabigyan ng pagkakataon. Masyadong mali sa paningin ng iba.

At higit sa lahat, maling tao. Maling tao para sa iba dahil sa marami kaming pagkakaiba..

pero para sa akin.. siya pa rin ang pinakatamang nangyari sa buhay ko.

Paano ko nga ba kakalimutan ang isang taong dumaan sa buhay ko na buong akala ko ay ang taong para sa akin? Paano ko nga ba ipaglalaban ang mali?

Maaari bang habang buhay na lang akong magkamali para lang makasama ko siya? Bakit kailangan maging maling tao kung wala naman siyang ginawa kundi iparamdam sakin ang tamang pagmamahal?

Kailan ba magiging tama ang mali?

Pero siguro hanggang dito na lang talaga. Siguro hanggang dito na lang ang pagkakamali.

Pagkakamaling mahalin siya. Pagkakamaling sumugal sa isang pagmamahal na walang kasiguraduhan.

Kailan ko ba kasi matatanggap na hanggang dito na lang ang pagkakamali naming dalawa? 

Kailangan ko ba talagang ituring na isang pagkakamali ang pagmamahalan naming dalawa kung sa pagmamahal naman wala naman mali, hindi ba?

At higit sa lahat, bakit ba kahit siya mismo ay bunitaw na.. andito pa din ako na naghihintay na magkamali ulit siya at piliin ako sa pagitan ng pagkakamali niya.

Tama na ba talaga? Nararapat lang ba talagang talikuran ko na ang pagkakamaling ito?

Pero mahal ko pa rin siya. Siya na ang mahal ko.

Bakit? Bakit kailangan ko pang manindigan sa iba kung siya lang naman ang gusto kong panindigan?

Bakit siya dumating sa maling panahon?

Hindi ba niya naiintindihan na handa akong talikuran ang kahapon at ang ngayon makasama ko lang siya sa hinaharap?

Siguro nga maling mali talaga.
Maling mali lalo na kung nakatali na ako sa iba.
Pero gusto ko lang naman na tulungan nya akong tanggalin ko ang tali para sa kanya na ako mananatili.

Ahhh. Siguro nga ako lang talaga. Ako lang talaga ang nag iisip na kahit mali ay kaya naming itama ang lahat.

Pero hindi ako nagsisisi. Dahil paulit ulit kong sasabihin na..

Ikaw.. Ikaw ang pagkakamali na nais kong gawin muli. 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s