“Eh kasi good boy siya. Hindi nya kayang manakit ng feelings no.”

Saglit akong napangiti ng statement na to. Hindi ko alam kung bakit batayan ang pagiging good boy ng isang lalaki para masabi na hindi ka na masasaktan.
Ano ba ang kaibihan nya sa mga bad boy na lalaki? Ah… kasi pag bad boy, alam mo na agad ang motibo nila sa umpisa pa lang… Ang lokohin ka. Ang saktan ka. Hindi ba? Pero kapag good boy.. Pamysterious effect pa. Tapos nasa isip mo na agad na, hindi ka masasaktan kasi nga good sila.

Pag bad boy, nandun na lahat yung impression na sasaktan ka na nila agad once makuha na nila yung gusto nilang makuha sayo. Pero pag good boy.. ibibigay daw nila sayo yung relationship goals na gusto mo.

Pero bakit kahit nakatagpo na sila ng good boy.. ang ending nila, umiiyak pa din. naiiwan pa din sila. Hindi ko nilalahat pero may ganon pa rin hindi ba? Nakakalungkot lang na masyado nating nilalahat ang lahat ng bad boy pagdating sa failure ng isang relasyon o pagdating sa mga sugatan nating puso. Tapos pag good boy, halos idefend pa natin sila sa mga isip natin. Na parang inosente sila.

Eh paano kung niloko ka rin ng good boy? 😏 Paano kung sa sobrang bait nya hindi ka lang niya madiretso na may nagugustuhan na siyang iba bukod sayo?

Hindi naman porket good boy, hindi na nakakagawa ng nakakasakit satin. Yung bad boy naman alam mo na agad na pwede kang masaktan. Hayagan yun. May warning sign na agad na naka akibat sa mukha nila. Pero ang good boy? Masyadong too good to be true.

Sabi nga nila, “if it’s too good to be true then it’s not true.”

Iba iba ang mga tao. Mapa good boy or mapa bad boy.. Nasa tao pa rin naman yan. May mga bad boy na kayang kayang magbago. May mga good boy naman na akala mo good boy forever pero nasa loob lang naman pala ang kulo.
It doesn’t matter kung good or bad boy ang bansag sa kanila. Ang nagmamatter sa huli ay kung sino amg taong papahalagahan ka.

Good or bad boy… Ang pinaka importante diyan ay kung sino yung taong nagpakatotoo sayo hanggang huli.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s