hindi karapat-dapat

ilang beses kang iiyak gabi gabi habang hinihintay mo ang mga mensahe nya na hindi rin naman dadating na?

ilang beses kang mangangapa sa bawat umagang darating ngayong wala na siya sa piling mo?

ilang beses mong papaniwalain ang sarili mo na kasalanan mo ang lahat kung bakit siya nawala sayo?

ilang beses mong sisisihin ang mga aksyon na ginawa mo dahil iniisip mo na iyon ang dahilan kung bakit siya bumitaw sayo?

ilang beses? ilang beses kang magpakakatanga?

samantalang siya, ayun.. masayang masaya na. ni hindi ka man lang makamusta. ni hindi man lang niya naiisip na nahihirapan ka na sa sitwasyon mo ngayon. ni hindi man lang niya naisip na nasasaktan ka ng paulit ulit dahil masyado mong pinipilit na siya ay bumalik..

makinig ka.
tama na.
tama na ang pag asang babalik pa siya.
tama na ang pag aakalang mahal ka pa din niya.
tama na ang pagpapantasya sa posibilidad na kayo pa rin hanggang huli.

tama na.

hindi siya karapatdapat para sa pagmamahal na iniaalay mo. hindi siya karapatdapat para sa pag alala kung nakauwi na ba siya o kung ano na ang ginagawa niya. hindi siya karapatdapat para sa mga oras na ginugugugol mo kakaisip sa kanya. hindi siya karapatdapat para sayo.

hindi siya karapatdapat dahil andun siya… sa piling ng iba. sa piling ng taong pinili niya. oo, hindi ikaw. hindi na ikaw. at hindi na magiging ikaw.

kaya tama na.

hindi na siya karapatdapat para sayo.

magpaalam ka na. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s