Pipiliin kita

Umaga. Nagising ako na katabi ka sa aking kama. Bigla kong naalala na nagtalo nga pala tayo kagabi. Pareho tayong ayaw magpaawat. Pareho tayong mainit ang ulo. Hanggang sa hindi na tayo nag usap at natulog na lang.

Napaisip ako at napatitig sa maamo mong mukhang mahimbing na natutulog. Bakit nga ba kahit sa tagal ng panahon na nating magkasama, ikaw at ikaw pa din ang pinipili ko?

Anong gayuma ba ang ininom ko? Hindi ko alam. Pero isa lang ang sigurado ako….

Mahal kita at araw araw ay pipiliin ka.

Pipiliin kita sa mga panahong hindi kita maintindihan.

Pipiliin kita sa bawat umagang ibibigay sa akin ng Diyos para makasama ka.

Pipiliin kita sa bawat pagpikit ng mata ko.

Pipiliin kita sa bawat gabing darating kahit hindi ka kapiling.

Pipiliin kita kahit may mga panahong napapagod na ang puso ko.

Pipiliin kita kahit sa magulong mundo na meron tayo dahil ayokong mapunta sa tahimik na lugar nang hindi ka naman kasama.

Pipiliin kita sa tuwing naduduwag kang ipaglaban ako.

Pipiliin kita sa mga panahong hindi mo na kilala ang sarili mo kasi kilala ka naman ng puso ko.

Pipiliin kita kahit ilang away pa ang pagdadaanan nating dalawa.

Pipiliin ko ang mga tinig mo na parang musika sa mga tenga ko.

Pipiliin ko ang mga yakap mo na nakakapagpabago ng timpla ng araw ko.

Pipiliin ko ang mga halik mo na parang dinadala ako sa alapaap.

Pipiliin kita sa libo libong taong makakasalamuha ko dahil ikaw lang ang hinahanap ng mga mata ko.

Pipiliin kita sa bawat tanong mo kung ikaw ba o kahit na sinong tao.

Pipiliin kita sa bawat desisyon na kailangan kong gawin.

Pipiliin kita kahit ilang beses pa tayong magkasagutan dahil sa pag aaway na wala namang patutunguhan.

Pipiliin kita kahit nasa akin na ang lahat ng rason para bitawan ka.

Pipiliin kita kahit ilang tao na ang nagsasabi na palayain kita.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang bitawan at palayain ang isang taong katulad mo.

Pipiliin kita dahil naniniwala akong karapat dapat ka.

 

Pipiliin kita.

Pipiliin kita ng paulit ulit ulit dahil mahal kita.

at higit sa lahat,

Pipiliin kita dahil sa ikaw ang rason kung bakit ginawa ko ang mensaheng ito.

Oo, pipiliin kita kahit anong rason pa ang aking makita. Dahil ang totoo ay wala naman dapat pagpilian…

Ikaw ang sagot. Ikaw at ikaw lang. Mahal kita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s