OO NGA PALA HINDI NGA PALA TAYO

Nagsimula tayo sa isang “hello”. Nung una hindi ko talaga gustong replyan ka. Nung una ayokong kausap ka. Pero sinubukan ko. Hanggang sa arw araw tayong magkausap. Masaya ka palang kausap. Marami tayong napag uusapan. Naeenjoy natin ang isa’t isa.

Lagi tayong magkausap. Paggising ko hanap ko na agad ang telepono ko para tingnan kung may mensahe ka na ba. At hindi nga ako nagkamali, may mensahe ka at sabi mo pa nga, “Goodmorning! Kain ka na. See you later”.. Maaga pa lang napangiti mo na ako. Excited na tuloy akong makita ka.

Nanatili tayong ganon ng dalawang buwan. Naguguluhan man ako sa kung anong meron tayo pero hinayaan ko na lang dahil masaya ako.

Ngunit isang araw bigla ka na lang nagbago. Bigla na lang nawala ang sigla ng kung ano mang meron tayo. Tinanong kita kung anong problema mo, ang sabi mo naman ay wala. Kaya kahit alam kong meron hinayaan ko na lang kesa naman magtalo pa tayo. Pero wala eh, mas lalo lang naging malala. Hindi na tayo tulad ng dati.

“Bakit ka ba nagkakaganyan? Naaapektuhan na tayo sa nangyayari sayo!” Hindi na ako nakatiis at tinanong na kita pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod mong sinabi..

“Bakit naman maaapektuhan eh wala namang tayo?”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Oo nga pala, hindi nga pala tayo. Bakit ba kasi inisip ko pang merong tayo?

“Pero bakit ang lambing lambing mo sa akin? Bakit lagi mo akong inaayang lumabas? Bakit ganoon kalambing ang mga texts mo sa akin? Bakit mo ko pinakitaan ng motibo kung wala lang pala iyon? At higit sa lahat bakit mo ako hinayaang mahulog sayo kung hindi mo naman pala ako masasalo?”

Hindi ka nakasagot agad. Yumuko ka at saka mo ako hinarap at sinabi mo sa akin, “Sorry akala ko kasi normal lang iyon para sayo kasi para sa akin ay normal lang iyon. Pasensya ka na.”

Hindi ko na napigilan at naiyak na ako. Ngunit nakuha ko pa rin na ngumiti para sabihing salamat sa iyo at saka ako tumalikod gaya ng pagtalikod ko sa kung ano mang meron tayo. Napangiti ako ng mapait….

 

Ay oo nga pala, walang tayo.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s