“kung tayo, tayo naman talaga”

Lumingon ka sakin ng puno ng pag-aalala… saka mo sinabing, “kung tayo, tayo naman talaga… di ba?”

MALI. Hindi totoo yan.

Hindi ko alam kung bakit nauso pa yung kasabihang yan. Kung kayo, kayo talaga? Sinong niloko nyo?

Walang ganon. Dahil ang isang relasyon, pinaghihirapan, ipinaglalaban at pinagpapaguran. Kaya ka mananatili sa isang relasyon dahil gusto mong hanggang huli ay parehas kayong nakakapit sa isa’t isa.

Sa isang relasyon, kung hindi mo iyon tatrabahuhin ay hindi iyon tatatag. Kaya yung sinasabi nilang “kung kayo, kayo talaga”? Hindi iyon totoo.

Kasi……

Kung mahal mo, ipaglaban mo.

Kung ayaw mong mawala, alagaan mo.

Kung hindi mo kayang bitawan, hawakan mo ng mahigpit.


Ganoon yon. Huwag kang umasa sa “kung tayo, tayo talaga..”

Dalawa lang yan eh. Ipaglaban mo o hayaan mong mawala sayo. Hindi yan parang tanong sa exam na maraming multiple choice. Isang oo o isang hindi lang yan.


Hindi yan yung nasa kanta na “palayain ang isa’t isa… kung tayo, tayo talaga”.. Dahil ang pagmamahal ay isang sugal.

Sumugal ka kasi mahal mo. Walang pero pero. Walang kung tayo, tayo talaga. Panindigan mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s