Sinanay mo ako sa mga mensahe mo kaya araw araw ko tuloy itong inaabangan. Sinanay mo ako sa mga yakap mo na nakakapagpagaan ng loob ko. Sinanay mo ako sa mga halik mo na kinakaadikan ko. Sinanay mo ako sa paghawak ng mga kamay mo lalo na kung kailangan ko ng alalay mula sayo. Sinanay mo ako sa mga ngiting aking nasisilayan sa tuwing makikita kita. Sinanay mo sa kasiyahang dulot mo. Sinanay mo ako sa presensya mo. Sinanay mo ako sa mga pangako mo.

Pero hindi mo naman sinabi sa akin na dapat masanay rin pala akong kalimutan ka nung araw na tinapos mo ang lahat sa atin. Hindi mo sinabi sa akin na kapalit ng saya at kilig ay ang lungkot at pait sa pagkawala mo; na kahit hanggang ngayo’y hinahanap hanap ko pa rin ang mga bagay na nakasanayan ko kasama ka.

Tinuruan mo akong masanay sa tuwa at sa pakiramdam na kasama ka. Pero sana tinuruan mo din akong masanay ng wala ka. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s