GUSTO KO SIYA

Gusto ko siya sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti mo sa bawat larawan niyo. Tanda iyon na napapasaya ka nga niya.

Gusto ko siya dahil napapasaya ka niya. Mas lalo akong napapanatag na hindi ka na muling malulungkot pa.

Gusto ko siya kapag andyan siya para tulungan ka sa mga problema mo pati na rin twing dinadamayan ka niya. Hindi katulad ko na hindi man lang nakatulong sa problema mo bagkus ay dinagdagan ko pa.

Gusto ko siya dahil parehas kayong nagkakasundo sa mga bagay na hindi tayo nagkakasundo noon. Patunay lang na hindi nga siguro tayo ang para sa isa’t isa.

Gusto ko siya dahil pinaparamdam niya sayong mahal ka niya. Isang bagay na hindi mahirap gawin dahil kahit naman sino mamahalin ka dahil sa ugaling mayroon ka.

Gusto ko siya kapag hinahawakan niya ang mga kamay mo. Dahil alam ko ang pakiramdam na hawakan ang mga kamay mo.. pakiramdam na tila ba hawak ko na ang buong mundo. Pakiramdam na ayaw ko ng bitawan ka.

Gusto ko siya kapag hinahagkan ka niya. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng kayakap ka, para akong umuwi sa sarili kong bahay kapag niyayakap kita. At alam kong kapanatagan ang dulot ng mga yakap mo sa kanya.

Gusto ko siya sa twing pinapakilig ka niya. Hindi lang naman babae ang may karapatan kiligin at walang masama doon para sa akin.

Gusto ko siya kapag kasama mo siyang pumunta kung saan saang lugar. Iyon kasi ang paborito mong gawin. Ang pumunta sa iba’t ibang lugar kasama ang babaeng mahal mo.

Gusto ko siya dahil alam kong inaalagaan ka niya. Karapat dapat ka naman kasi talagang alagaan.

Gusto ko siya dahil ibang iba siya. Na pati sarili ko ay ikinukumpara ko pa sa kanya.

Gusto ko siya dahil ramdam kong hindi ka niya iiwanan. Hindi katulad ko na laging tumatalikod sayo pero patuloy mo pa rin akong pinaglalaban.

Gusto ko siya kasi naiintindihan ka niya. Hindi katulad ko na kaunting bagay lang ay nagagalit na. Hindi katulad ko na kung magisip ay parang bata.

Gusto ko siya sa marami pang dahilan. Na kapag inisa isa ko pa ay baka abutin na tayo ng umaga at posible din na ako’y lalong manghinayang.

Gusto ko siya dahil alam kong hindi mo lang siya gusto, gusto ko siya dahil alam kong mahal mo siya.

Gusto ko siya dahil alam kong kaya ka niyang alagaan, ingatan at mahalin sa paraang alam kong ginawa ko rin. Na alam kong mas mahihigitan niya pa.

 

Kahit masakit ay gusto ko siya para sayo. Gusto ko siya dahil alam kong masaya ka sa kanya. Gusto ko siya dahil gusto kita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s