The One That Got Away

Lahat naman tayo may kanya kanyang the one that got away, TOTGA ika nga nila…

“Siya”

Siya yung sa unang tingin mo, wala lang. Simpleng tao lang. Tshirt at pantalon lang ang lagi niyang sinusuot. Walang dating sa akin.

Siya yung sa unang tingin mo, hindi man lang tatatak sa isip mo, kahit pa pagmasdan mo ng ilang beses… ganoon kasi siya ka-ordinaryong tao.

Siya yung pag nasimulan mo ng kausapin mapapaisip ka dahil kung ano lang ang tinanong mo, yun lang yung sasagutin niya sayo… nakakabagot minsan kausap.

Ngunit sa kabila ng mga nabanggit ko, siya yung tao na nakapagpabago ng takbo ng buhay ko…

Naalala ko pa noon, nung inaasar ako ng kaibigan ko sakanya tanging “ayoko nga” lang ang naisagot ko sa kanya. Paano ba naman kasi, hindi naman siya yung tipo kong lalaki. Masyadong ordinaryo at masyadong mabait na tao. Too good to be true.

Ngunit, akala ko lang pala iyon. Nagkamali ako.

Nagkamali ako nung sinabi kong ayoko sa kanya… dahil gustong gusto ko na pala siya.

Gustong gusto ko yung mga mapupungay niyang mata na kapag tinitigan mo magdudulot ng paru-paro sa tiyan mo

Gustong gusto ko yung boses niya na hinahanap ko sa tuwing hindi kami magkasama

Gustong gusto ko yung mga tawa niya na nagsilbing musika sa aking mga tenga

Gustong gusto ko yung presensya niya na hinahanap hanap ko at kapag nasilayan ko na ay nawawala ang alalahanin ko sa buhay

Gustong gusto kong hawak hawak ang mga kamay niya dahil pakiramdam ko ay hawak ko na rin ang puso niya

Gustong gusto ko yung mga yakap niya na nakakawala ng pagod ko mula sa trabaho

Gustong gusto ko rin nung binago ng pag iisip niya ang pananaw ko sa pagmamahal

at higit sa lahat..

Gustong gusto ko siya na kahit na napaka ordinaryong tao niya ay nagagawa niyang extra ordinary ang buhay ko

Pero nagkamali na naman ako.

Nagkamali na naman ako nung kinailangan niyang iwan ako.

Nagulat na lang ako nang sabihin niya sakin na, “siguro ay hanggang dito na lang tayo..”

Masakit. Parang isang napakalaking parte ng pagkatao ko ang nawala. Siguro hindi naman sila tatawaging “the one who got away” kung hindi sila lilisan sa mga buhay natin. Na ang tanging papel nila sa buhay natin ay panandalian lang.. panandaliang pag asa, panandaliang kasiyahan at higit sa lahat panandaliang pagmamahal.

Nung lumisan siya sa buhay ko ay napakarami kong tanong, mga tanong na kailanman ay hindi niya sinagot. Siguro ay mas pinili na lang din niyang panindigan iyong desisyon niya, mas pinili na lang din niyang hindi sagutin dahil kung sasagutin niya ay mas masasaktan lamang ako. Siguro ay inisip din niya ang sa tingin niya’y makakabuti para saming dalawa. Puro “siguro” na lang talaga ang naiisip ko.

Subalit kahit matagal na panahon na simula siya’y umalis ang mga alaalang namang iniwan niya ay nananatili pa rin sa puso ko. Masasabi kong sa tagal na panahon na nangyari iyon ay magaling na ako. Magaling sa bakas ng kahapon, magaling na sa mga katanungan na hindi naman tinugon at higit sa lahat, magaling na sa sugat na iniwan niya nung ako’y kanyang tinalikuran.

Siguro totoo nga ang sabi nila, ang pagmamahal mo para sa isang tao ay hindi mawawala. Mananatili iyon sa puso mo pero hindi na rin katulad ng dati. Mag iiba iyon at mapapalitan ng kakaibang klase ng pagmamahal. Pwedeng pagmamahal bilang kaibigan o pwede ring pagmamahal bilang kapatid. Ngunit kung minalas ka, mananatili ka sa pagmamahal na iyon.

Kung ako ang tatanungin, masasabi kong maayos na ako ngayon, pinalaya ko na ang lahat ng alaala naming dalawa kasama na rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Ganon naman talaga hindi ba? Hindi naman “the one who got away” ang itatawag sa kanila kung ang parte nila sa buhay natin ay “the one who stays“. Nararapat lamang na palayain natin sila dahil hindi sila panghabang buhay.

Masaya ako para sakanya, masaya akong makitang unti unti niya ng naaabot ang mga pangarap niya. Masaya akong makita kang masaya sa buhay mo ngayon kahit hindi na tayo magkasamang buuin ang mga plano nating dalawa.

Maaaring may kasama ka ng iba ngayon. Kasama mong lumakbay sa laban ng buhay. Pero masaya pa din ako para sayo.

At patuloy akong magiging masaya para sayo dahil ikaw ang “the one that got away ko“..

 

 

 

PS:

(Hi totga, I know when the time is right, I’ll be able to say hello and thank you because I am where I am right now because of you… See you at the crossroads. 😊)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s